Skip to main content

The Time We Went to Tanay

    Nitong nagdaang Sabado, sinadya namin ang Lanai by Annabel's bunga ng mungkahi ng aking nakakatandang kapatid. Hindi paglalahad ng pagkilatis ng pagkain o ng kainan ang dahilan ng aking sanaysay, bagkus ay pagbabahagi ng naging karanasan ko bilang isang indibidwal noong araw na 'yon. 

    Matapos ang halos isang oras na biyahe (paglalakbay) mula sa bahay, nakarating din kami sa nasabing lugar. 


   
    Marahil ay isa sa mga dahilan kung bakit marami ang bumabagtas sa matarik at paliko-likong kalsada at mataas na lupain ng Tanay, ay dahil sa magandang tanawin ng kainan. Kung iisipin, maraming mga kainan ang nasa Kalakhang Maynila na 'sing tulad ng nasabing kainan, at marahil ay mas mura at mas masarap pa ang mga hinahandang pagkain. Subalit dahil sa ambiance sa kapaligiran ng lugar, marami pa rin ang mga tumatangkilik dito.


    Siguro ay dahil weekend, may karamihan na rin ang bilang ng tao nang dumating kami. Sa kabila ng katotohanang iyan, naging masinop ang pag-aasikaso sa amin ng mga servers/waiters. Matapos ang ilang minuto ng pag-iisip, umorder kami ng Kare-Kare, Binagoongan, at Crispy Pata.

"KareKare ni Lola"

"Binagoongan Bagnet"
"Crispy Pata"

Dahil marami na rin para sa aming anim-katao ang mga napili naming ulam, na sinamahan pa ng sampung order ng kanin, hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na bumili ng matamis na panghimagas. Subalit nabigyan naman ako ng pagkakataon (at ng lakas ng loob) na lumapit sa counter at kuhanan ng larawan ang ilan sa mga nakakatakam na mga tinapay.




Ang mga susunod na mga larawan naman ay kuha mula sa loob ng kainan:

    Madalas ay wala akong lakas ng loob na kumuha ng mga larawan sa pampublikong lugar bagama't hindi naman ito bagong pag-uugali ng isang pangkarainwang tao. Ngunit sa di (ko) maipaliwanang na kadahilanan, sa pagkakataong ito, ay sinubukan ko ring mag-picture. 
Matty na masayang nilalaro ng kanyang ama.

Matty at ang kaniyang lola.

Ang aking nobya.

Ang pinkabagong kasapi ng aming pamilya.

Sarilitrato (Selfie) kasama ang nobya. 

Si Matty at ang kaniyang ama at ina.

Si Matty na masayang tulog.

Si Mattie na masayang humarap sa camera.

Ang mga sumusunod naman na mga larawan ay kuha naming dalawa ng aking nobya:


    Halos limot ko na kung kailan ako huling nakapagpakita ng lehitimong duchenne smile. Hindi ko rin alam kung pag-uulit kung tatawaging "lehitimo" kasunod ang "duchenne smile." 

    Pagkatapos kumain ng aganghalian (brunch, (c) pending), napagpasyahan naming pumunta sa mga molino sa may Pililla, Rizal. Bagama't ngayon ko lamang narinig, ang molino pala sa wikang Ingles ay Windmill. Halos panibagong 45 na minuto ang ginugol namin sa pagpunta sa Pililla. Maulan nang kami ay makarating sa nasabing lugar at halos wala rin naman kaming nakitang kakaiba.

    Kung may masasabi man akong pag-puna sa nasabing lugar, ay puno ito ng mga oportunistang kapitalista na lahat ng kilos at kibot ay may bayad. Marahil ang argumento ay ito ay tulong sa kanila o hanapbuhay nila ang kadahilanan ngunit hindi ko matataggap ang 10-piso "suhol" para lamang makigamit ng palikuran. Sa kabilang banda, ito naman ang mga makukulay na dahilan kung bakit ko kailangang gumamit ng palikuran:

Matapos ang ilang oras ng pag-biyahe sa lugar na ngayon ko lang narating, pinagpasyahan na naming umuwi sa kadahilanang oras na ng aking paghimbing.










Comments

Popular posts from this blog

Araw ng Kagitingan (at Kadaldalan) sa Intramuros (At Binondo)

     I've been telling this to my seatmate sa office na I always get the inspiration na gumala kapag papasok ako sa opisina. Masarap kasi maglakad sa gabi lalo na kapag may halong lamig na dumadampi sa mga braso ko. Pero pag ka out sa opisina ng Sabado ng umaga (night shift kasi), nanghihina na ako madalas dahil sa init ng araw. Kaya madalas, diretso bahay na ako para gumawa ng wala.       Ano ang kaibahan ng walang ginagawa sa gumgawa ng wala? Ayon sa Alamat ng Gubat ni Bob Ong, ang walang ginagawa ay yung nakatanga ka lang. Kasi wala ka ngang gingawa. Sa kabilang banda, ang gumagawa ng wala ay ang gumagawa ng mga walang kabuluhang mga bagay. Tulad ng nabanggit ko sa huling talata, sa paggawa ng wala napupunta ang weekends ko (e.g. paglalaro sa computer at PS5, panonood sa streaming, pagbabasa sa Reddit.) Lahat walang kwenta.       Isa pang trivia, ano ang kaibahan ng i.e. at e.g.?      Eto, di na ako mag g-Google ha...