- Get link
- X
- Other Apps
Nitong nagdaang Sabado, sinadya namin ang Lanai by Annabel's bunga ng mungkahi ng aking nakakatandang kapatid. Hindi paglalahad ng pagkilatis ng pagkain o ng kainan ang dahilan ng aking sanaysay, bagkus ay pagbabahagi ng naging karanasan ko bilang isang indibidwal noong araw na 'yon. Matapos ang halos isang oras na biyahe ( paglalakbay ) mula sa bahay, nakarating din kami sa nasabing lugar. Marahil ay isa sa mga dahilan kung bakit marami ang bumabagtas sa matarik at paliko-likong kalsada at mataas na lupain ng Tanay, ay dahil sa magandang tanawin ng kainan. Kung iisipin, maraming mga kainan ang nasa Kalakhang Maynila na 'sing tulad ng nasabing kainan, at marahil ay mas mura at mas masarap pa ang mga hinahandang pagkain. Subalit dahil sa ambiance sa kapaligiran ng lugar, marami pa rin ang mga tumatangkilik dito. Siguro ay dahil weekend , may karamihan na rin ang bilang ng...










Comments
Post a Comment