Skip to main content

Araw ng Kagitingan (at Kadaldalan) sa Intramuros (At Binondo)


    I've been telling this to my seatmate sa office na I always get the inspiration na gumala kapag papasok ako sa opisina. Masarap kasi maglakad sa gabi lalo na kapag may halong lamig na dumadampi sa mga braso ko. Pero pag ka out sa opisina ng Sabado ng umaga (night shift kasi), nanghihina na ako madalas dahil sa init ng araw. Kaya madalas, diretso bahay na ako para gumawa ng wala. 

    Ano ang kaibahan ng walang ginagawa sa gumgawa ng wala? Ayon sa Alamat ng Gubat ni Bob Ong, ang walang ginagawa ay yung nakatanga ka lang. Kasi wala ka ngang gingawa. Sa kabilang banda, ang gumagawa ng wala ay ang gumagawa ng mga walang kabuluhang mga bagay. Tulad ng nabanggit ko sa huling talata, sa paggawa ng wala napupunta ang weekends ko (e.g. paglalaro sa computer at PS5, panonood sa streaming, pagbabasa sa Reddit.) Lahat walang kwenta. 

    Isa pang trivia, ano ang kaibahan ng i.e. at e.g.?

    Eto, di na ako mag g-Google ha, ang i.e. are for specifics. At ang e.g. ay for examples but not limited to. 

    Halimbawa, ang mga miyembro ng Twice (i.e. Nayeon, Jeongyeon, Momo, Sana, Jihyo, Mina, Dahyun, Chaeyoung, at Tzuyu) ay hinahanap ako kaninang umaga. Bagama't walang katotohanan o saysay ang pangungusap, wasto naman ang pagkakagamit ng "i.e.". 

    Hindi totoo na ang mga miyembro ng Twice ang naghahanap sa akin dahil marami pang iba (e.g. Jisoo ng BP, Jeong Eun Ji ng Apink, Tiffany ng Girls' Gen atbp.)

    Okay mabalik sa kwento - dahil Araw ng Kagitingan ngayon, at nagkataong araw din ng kasipagan ni Arnie, nagkaron ako ng kakaibang lakas na maglakad mula office hanggang MRT-Shaw na meron layong 800m (per Google Maps). Buti na lang may P264 pang laman ang Beep card ko at hindi ko na kailangan mag load ng panibago (at mabawasan ang budget ko for the week).

    Siguro, mas maayos ang commuting experience ng mga Pilipino kung aircon ang buong facilities ng MRT at LRT. Ang mga urban views, very given naman na yan (provided na hindi siksikan ang mga tao). Siguro people will smile more, be more courteous and considerate to one another, if naka aircon ang lahat ng facilities ng ating transportation system. But it's like me asking for people not to play their TikToks on VERY VOLUME during their public commute. Asa na lang ako, diba? 

    My way to Intramuros is this - MRT-Shaw to MRT-Cubao then transfer to LRT2-Cubao then hanggang LRT2-Recto na yon. 'Tas transfer ulit sa LRT1-Doroteo Jose then baba na ako sa LRT1-Central Station.

    I'm pretty sure na may mga 1-way to Manila akong pwedeng sakyan galing office pero sabi nga nila, it's all about the journey, not the destination. Yes, mas gusto kong makipagsiksikan nang pawis sa mga kapwa kong pasaherong mas pawis.

    Liban diyan, nakalibre ako ng sakay sa LRT2 dahil siguro Araw ng Kagitingan. Sinubukan ko namang itanong sa guard kung bakit libre, nginitian niya lang ako at sabing "Basta akyat ka na lang ser." Wow, magiting! 


Isa sa mga paborito kong part kapag nag co-commute ako via train pa-Manila ay ang lugar na ito:


    Mahalaga sa akin personally ang daan na to dahil dito shinoot yung pelikulang "Ang Kwento Nating Dalawa" na ginanapan ni Nicco Manalo. I'm pretty sure not everyone knows na si Nicco Manalo ay anak ni Jose Manalo and that's anotha trivia for ya.



    Nagustuhan ko yung movie na 'yon dahil slow burn siya e. At siyempre yung sequel niya na "Tayo sa Huling Buwan ng Taon". If hindi niyo pa napapanood, panoorin niyo, maganda. Tapusin niyo. Wag kayong patalo sa mabagal na pacing. At kung napanood niyo na, panoorin niyo ulit at hanapin ang mga "stills" na 'to sa pelikula. 

    Wait, share ko lang 'tong pic na 'tong napakaangas. #Bangis. #Aethekitiks


>>Sa mga susunod na mga paragraphs, iiksian ko na ang kwento ko kasi parang naubos ko na masyado ang oras ko kakadaldal tungkol sa mga trivia at mga bagay na walang kinalaman sa title.<<

    Pumunta  ako, for the first time, sa Arroceros Forest Park. Dahil again, marami akong oras mag-libot, sinubukan kong puntahan ang nasabing park gayong wala rin namang entrance fee. Kailangan ko lang isulat ang pangalan ko at kung taga-saan ako para makapasok. Ano ba naman ang isulat ko nang may buong katapatan ang mga impormasyong ibinigay ko para may mag-aalok na sa akin ng kung anu-anong trabaho sa mga susunod na araw?








    At dahil nasa likod lang ng huling larawan ang Metropolitan Theater, sinadya ko na rin puntahan ito dahil 1) nakapunta na ako dito before para sa school play nila kuya nung college ako at 2) sa isang sulok dito sa labas shinoot ang Pamilya Ordinaryo.





It was very nice na ni-rehabilitate 'to pero it would be nice if open siya sa public (at least sa lobby area). Sinubukan kong tanungin kung open sa public pero bago ko pa magawa 'yon ay sinara na ng sekyu ang gate. Hindi ko na kailangan ng sagot. 


MANILA. Alam mo bang ang Manila ay hango sa salitang... dejk lang. May picture ako mamaya ng halaman na pinagkunan ng salitang Maynila/Manila.


To be fair, hindi ko masentro mga kuha ko sa bahay na 'to kasi may nag ca-car wash (pero motor) sa kaliwa ko.


I was hoping to see na may nakadungaw pero baka night shift sila.


    I intended to go to Fort Santiago pero dahil ilang beses na akong nakapunta doon, minabuti kong bisitahin ang (medyo) bagong bukas na Museo de Intramuros. Pero bago doon, dumaan muna ako sa Plaza de Santa Isabel:





    Although ilang beses na nating nadinig ang mga karumal-dumal na pag-paslang, pag-sunog, pag-gahasa sa mga kababaihan natin, I don't think na tumatatak sa isip natin or baka hindi natin nauunawaan nang lubos ang mga nangyari. 

    Hindi ko alam kung anong tawag sa lugar na 'to but it sure damn looks nice




    At ito namang Museo de Intramuros




Medyo modern yung theme na ng Museum na 'to at may choice ka na pumasok for free or mag pay for P150 (for more exclusive content, 'ika nga.) Hindi na masama. Nagtagal naman ako dito dahil ngayon ko lang to napuntahan. 




Ito na nga ang halamang pinaghanguan ng Manila/Maynila



Caha de Oro's mama

World's first Orocan(not!)

Napakadami talagang nagagawang maganda ang mga tao basta walang Tiktok





I wonder how they sparkle. Glitters? 


"Creative" shot






Game of Thrones feels?





    May mga religious items pa like yung mga wears and wares (clothing and chalis) sa ibang area na hindi ko na picture-an. May mga rebulto din ng mga santo and head figures ni Jesus Christ so if you're into that, definitely go for the P150 entrance fee.

    At dahil halos 10am na ako natapos dito, sinadya ko nang puntahan ang Binondo para makakain sa masarap. At on the way to Binondo, nakita ko na naman ang isang memorable place (para sa akin). Dito shinoot yung climax part ng Tayo sa Huling Buwan ng Taon movie.


    Aside as being the Oldest Chinatown in the world, so they say, marami ring masasarap na kainan dito. Tinaya ko ang agahan ko sa isang hindi kilalang restaurant na ang pangalan ay Shaxian Snacks. 





Wonton Noodles P200

Beef with Bell Pepper P240


    Mas nagustuhan ko ang lasa ng Wonton Noodles (na napakarami by the way) kesa sa Beef with Bell Pepper. Hindi ko alam kung wala gaanong lasa itong beef o baka dahil napaso lang ako sa sabaw ng noodles (gutom na e!) Sana marami pang makakain dito kasi ang lungkot kanina e, mag-isa lang ako na kumakain, hindi binuksan electric fan (baka nakaligtaan lang hehe). Pero seryoso, sana mas maraming makakain dito. Sana ma try niyo ang Wonton Noodles nila.

Paano ba tinatapos ang blog? Ah teka, kung nagtataka ka kung bakit ako nag post ng picture sa umpisa, wala lang. 

The End.

And here are some unedited videos I can't be bothered to edit.












Comments

Popular posts from this blog

The Time We Went to Tanay

     Nitong nagdaang Sabado, sinadya namin ang Lanai by Annabel's  bunga ng mungkahi ng aking nakakatandang kapatid. Hindi paglalahad ng pagkilatis ng pagkain o ng kainan ang dahilan ng aking sanaysay, bagkus ay pagbabahagi ng naging karanasan ko bilang isang indibidwal noong araw na 'yon.       Matapos ang halos isang oras na biyahe ( paglalakbay ) mula sa bahay, nakarating din kami sa nasabing lugar.           Marahil ay isa sa mga dahilan kung bakit marami ang bumabagtas sa matarik at paliko-likong kalsada at mataas na lupain ng Tanay, ay dahil sa magandang tanawin ng kainan. Kung iisipin, maraming mga kainan ang nasa Kalakhang Maynila na 'sing tulad ng nasabing kainan, at marahil ay mas mura at mas masarap pa ang mga hinahandang pagkain. Subalit dahil sa ambiance  sa kapaligiran ng lugar, marami pa rin ang mga tumatangkilik dito.      Siguro ay dahil weekend , may karamihan na rin ang bilang ng...