I've been telling this to my seatmate sa office na I always get the inspiration na gumala kapag papasok ako sa opisina. Masarap kasi maglakad sa gabi lalo na kapag may halong lamig na dumadampi sa mga braso ko. Pero pag ka out sa opisina ng Sabado ng umaga (night shift kasi), nanghihina na ako madalas dahil sa init ng araw. Kaya madalas, diretso bahay na ako para gumawa ng wala. Ano ang kaibahan ng walang ginagawa sa gumgawa ng wala? Ayon sa Alamat ng Gubat ni Bob Ong, ang walang ginagawa ay yung nakatanga ka lang. Kasi wala ka ngang gingawa. Sa kabilang banda, ang gumagawa ng wala ay ang gumagawa ng mga walang kabuluhang mga bagay. Tulad ng nabanggit ko sa huling talata, sa paggawa ng wala napupunta ang weekends ko (e.g. paglalaro sa computer at PS5, panonood sa streaming, pagbabasa sa Reddit.) Lahat walang kwenta. Isa pang trivia, ano ang kaibahan ng i.e. at e.g.? Eto, di na ako mag g-Google ha...
Malaya at malikhaing paglalahad.